Anybody who wants to lear Philippine language? I can be a patient tutor if I am not that busy.
Cheers to us!
Anybody who wants to lear Philippine language? I can be a patient tutor if I am not that busy.
Cheers to us!
KANAN PATUNGONG KALIWA
Ni Daniel McCarthy
Isang Konserbatibong Kasaysayan ng Kaliwa ng Amerika
Si Ginoong Daniel J. Flynn ay isa sa mga sumisikat na bituin ng mga maka-Kanan. Hanggang ngayong kuwarenta anos, umaani siya ng tatlong aklat, ang bawat isa'y mas maaninaw kaysa huli. Mayroong mga konserbatibong manunulat na sumusulat para sa masang tagapakinig at mga konserbatibon iskolar na sumusulat para sa iilan. Ngunit sumusulat si Flynn maging sa kapwa pareho: ang kanyang mga aklat ay pinagsasama ang orihinal na pananaliksik -- sa mga daan nakikipanayam sa mga Kaliwang di-sumasangayon katulad din sa mga aklatan na kung saan hinahaluglog ang lahat ng talaan -- sa pamamagitan ng makabagong likas na talino at sentido komun. Ang Konserbatibong Kasaysayan ng Kaliwa ng Amerik ay ang kanyang pinakamagaling na aklat hanggang ngayon.
Ang kasaysayan ng Kaliwa bilang isang kabuuan, bilang kabaligtaran sa mga tomo na tumatalakay sa isa o ibang mga klase ng nakapangangambang panig ng pulitika, ay kulang sa dami. Sa isang bahagi, ipinakita ni Flynn, yaon dahilang ang Kaliwa mismo ay minabubuting kalimutan ang kanyang nakaraan. Ang mga kasalukuyang segral liberal ay ikinahihiyang matuklasan na sila'y nanggaling sa mga nanampalataya: mga sekta ng relihiyong nagaantay ng Apokalips, dagok-Bibliyang nangyayamot ng "Temperance", at kahit na Kristiyanong komunista. Ang Kaliwa ay hindi laging "panlahing progresibo", alinman: mga komunidad ng mga mapangmithiin bago ng digmaan ay malimit ha pinagbabawal ang mga itim, habang ang mga sumusunod na sosyalista ay iginiit na ang pakikipaglaban para sa pagparepareho ng lahi ay isang pang-abala sa tunay na mahalagang pakikipaglaban sa kalayaang mamili at maglako.
Ang isang Kaliwa na naalala ang sariling nakaraan ay maaring iwasang gawin ang dating pagkakamali nang paulit-ulit -- na maaring maging isang bagay na mapanganib. Pasalamat, hindi ganoong karaming mga liberal ang makababasa ng Isang Konserbatibong Kasaysayan ng Kaliwa ng Amerika. Ang makagagawa ng yaon ay masosorpresa: Isinulat ni Flynn itong aklat nang makatarungan katulad ng hinihingi ng kanyang mga kaaway. Mayroong mga taksil ( si Ginoong Alger Hiss at ang mga Rosenberg, pangalanan ang iilan, mga mamatay tao, at pagkadamidaming mapilit na mga maglalako sa kasaysayan ng Kaliwa ng Amerika, gayunman "ang istorya ay naglalaman rin ng mga bayani, ani ni Flynn: "Si Ginoong Eugene Debs habang tumatakbo para pagkapangulo sa loob ng bilangguan;si
William Jenning Bryan madulang nangangaral sa mga taga-Silangan na huwag ipao sa krus ang kanilang mga kababayan sa krus na ginto; si Martin Luther King Jr. itiantaya ang buhay para sa lalong mabuting mundong maaari." Inihihiwalay ni Flynn ang mga mapagmahal sa kalayaang, malakas uminom, at kung minsa'y mga mapag-away sa lansangan na "Freedom Left" (Kaliwa ng Kalayaan) ng mga "Wobblies, hippies, at Yippies sa mga pumupuksa ng kaligayahang at mapilit na "Force Left" (Puwersa ng Kaliwa) ng mga "Prohibitionists, mga komunista at iba pang mga estadista (statists).
itutuloy (to be continued)...
Russian Lessons | Russian Tests and Quizzes | Russian Vocabulary |